Miyerkules, Pebrero 29, 2012
Banat Quotes
Kuya may dala kah bang notebook at ballpen?
Bakit?
Paki takenote mo naman na mahal kita :)
Chezzy..... <3
Linggo, Pebrero 26, 2012
Buhay Kolehiyo..
Noong unang araw ko sa BPSU-DC syempre Masaya pero may konting kaba. Masaya ko kasi marami nanaman akong bagong makikilala bagong mga kaibigan at bagong guro na makikilala at igagalang ko. Kinakabahan naman ako dahil kailangan kong kilalanin muna kung sino yung magiging mga kaklase ko at kung ano ang mga ugali nila, kinakabahan din ako dahil unang-una kailangan kong hanapin kung saan ang magiging Classroom ko at kung mabait ba ang mga magiging Professor ko. ACT (Associate in Computer Technology) ang pinili kong kurso dahil maganda ang kurso ACT marami akong natutunan tungkol sa iba’t-ibang uri ng Teknolohiya at nalaman ko kung paano magTroubleshoot ng Computer at Printer, napagaralan ko ang mga parte ng system unit, nalaman ko din kung ano ang iba’t-ibang klase ng virus na maaaring makasira ng ating Computer, nalaman ko kung paano magInstall ng mga iba’t-ibang software, kung ano ang mga maaaring makasira ng memory sa ating System Unit, natuto akong magDownload at magUpload ng Music at Video, Natuto akong magEncode, natuto din akong gumawa ng tamang format para sa Powerpoint at ang kursong ACT ay hindi lang naman sa Computer laging nakatutok meron din naman kaming mga iba’t-ibang subject na maaaring makatulong sa akin tulad ng Acounting pwede kang maging Cashier, Business English pwede kang magapply bilang Call Center at Business Management pwede kang magapply bilang Secretary kaya kahit na ACT ang napili kong maging kurso marami pa rin akong pwedeng applayan. Kaya sa mga mag-aaral ng kolehiyo ACT ang kunin ninyong kurso hindi lang pang-Computer marami ka pang matututuhan.Nagpapasalamat ako sa aking mga "Magulang" na lagging nakasuporta sa akin at lagging nandiyan kapag may problema ako sila ang Naghirap para lang makapag-aral ako kaya ipinapangako ko na magsisikap ako para makatapos ako ng pagaaral at makahanap ng trabaho para matulungan ko sila. Ang buhay kolehiyo ay sadyang mahirap pero Masaya. Noong tumagal-tagal na ako sa BPSU-DC nasanay na din ako nagkaroon ako ng maraming kaibigan sa klase naming pati na rin sa ibang Section ang babait nila at Masaya pang kasama. Minsan nagkakaroon kami ng konting di pagkakaintindihan pero naaayos din naman kaagad. Mahirap nga siguro ang mag-aral ng kolehiyo pero kailangan mong tandaan na sa bawat hirap ay may nakalaan sayong pag-asa, saya at tagumpay sa buhay. Salamat ng Marami sa lahat ng sumusuporta sa akin at sa lahat ng kaibigan ko.. PROUD TO BE ACT AKO..
Ito ang damit namin noong nakaraang Intrams
![]() |
Mga litrato para sa Associate in Computer Technology (ACT) Department |
Ang saya talaga kapag kinuha ninyo ang kursong Associate in Computer Technology (ACT). Marami ka ng matututuhan marami ka pang makikilala.. Kaya tara na magACT na tayo..
Biyernes, Pebrero 24, 2012
Ang aking mga hindi malilimutang karanasan sa ATI ng nagOJT kami
Unang araw namin sa OJT
nakakakaba kasi hindi mo pa naman masyadong kilala ang mga tao doon sa opisina
ng ATI eh pero noong pagpasok namin doon sa loob ng opisina nila ang babait
nila parang kapamilya nga ang turing nila sa amin ng aking mga kaklase eh lagi
silang nagpapatawa kahit marami kaming ginagawa. Bago kami nagsimula sa pagoOJT nagpakilala
muna kami isa-isa sa mga nagtatrabaho doon at nagpakilala din naman sila.
Pagkatapos naming magpakilala pinapunta kami doon sa opisina ng director ng ATI
na si Director Danilo Ochoa at tinanong niya kami ng tungkol sa paaralan kung
anong kurso ang aming kinukuha sumagot kami sa kanyang mga tanong. Ang Unang
tanong niya sa amin ay kung sino ang President eng BPSU ang aking isinagot ay
si Dr.Delfin O. Magpantay. Ang Pangalawang tanong naman niya ay kung bakit sa
ATI naming napiling magOJT ang sagot namin ay dahil mababait ang mga tao, saka
gusto naming magkaroon ng maraming kaalaman tungkol sa kanilang opisina at
trabaho. Pagkatapos kaming interviewhin ni Sir Danilo nagpunta na kami sa
kanya-kanya naming destinasyon. Ang lalong hinding hindi ko makakalimutang araw
sa ATI ay ang Christmas Party dahil masaya kaming nagsama-sama. Ang daming
pagkain na inihanda, mga laro at nagkantahan pa kami. Ang isa pa ay noong
tumulong kaming magtanin ng saging ang saya noon kahit mainit tumatawa kami at
nagkuhanan pa kami ng mga litrato. Kaya kahit tapos na ang OJT namin sa ATI
hindi ko makakalimutan ang mga tao na naging parang pamilya ko na rin. Ang mga larawan na nasa ibaba ay ang mga staff sa ATI office kung saan ako nagoOJT..
Ang nasa larawan na ito ay sila kuya Perfecto at Kuya Exequiel kasama kami..
Ang nasa kanan na ito ay si Ate Babelyn..
Ito naman ay si Sir Wilfredo..
Ito naman ay si Ma'am Cora..
Ito ay si Kuya Manny..
Ito si Kuya Francisco..
Ito si Kuya Ador..
Ito ay si Ate Marie Fe..
Ito ay sina Ate Faye at Kuya Darwin..
Ito si Ate Cecille..
Ito si Ate Malou..
Ito si Ma'am Wilma..
Ito ay si Sir Danilo ang Director ng ATI..
Ito ay si Ate Carol..
Miyerkules, Pebrero 22, 2012
Dahil Minahal Mo Ako
INTRO:
Langit ang nadarama
Pintig ng puso ay kakaiba
Basta’t kasama ka
Wala akong mahihiling pa
Sa taglay na katangian at kabaitan mo
Nabihag at umibig sayo ang puso kong ito
Hanggang langit ang pasasalamat at Ika’y aking tinanggap
Na walang pag alinlangan
CHORUS:
Dahil minahal mo ako
Lahat ay gagawin para sayo
Huhulihin ko ang buwan
Pipigilin ang ulan
Dahil Minahal mo ako
Isisigaw ko sa buong mundo
Laging iingatan ang pag-ibig mo
Dahil minahal mo ako
II.
Sa taglay na katangian at kabaitan mo
Nabihag at umibig sayo ang puso kong ito
Hanggang langit ang pasasalamat at Ika’y aking tinanggap
Na walang pag alinlangan
REFRAIN:
Mga pangarap ko
Lahat ay natupad
Isang ngiti mo lang
Ako’y parang lumilipad
CHORUS:
Laging iingatan ang pag-ibig mo
Dahil minahal mo ako
music by:Sarah Geronimo
Gusto ko itong kantang ito dahil maganda siya nakakawala siya ng pagod kapag naririnig mo at saka nakakarelate ako..
Ang Ganda ng music background niya at isa pa paborito ko si Ate Sarah Geronimo kasi ang ganda ng boses niya at ang galing niya pa.
Inaalay ko din itong kantang ito sa aking mahal na kasintahan.
Mahal na mahal kita bhosz ko..
Martes, Pebrero 21, 2012
jamming with my friends

Biyernes, Pebrero 17, 2012
Tungkol sa aking Sarili
Ako si Ann Mariz Dabu nakatira ako sa Barangay San Benito. Ako ay Labing Siyam(19) na taong gulang na at Pangalawa sa mga anak nila Maribeth Dabu at Sonny Dabu. Ako ay may Tatlong Kapatid. Nung Bata ako laging sinasabi sa akin ng aking nanay na paglaki ko sana daw tulugan ko sila sa pagpapalaki ng aking dalawang kapatid na kapag daw nakatapos ako ng kolehiyo ako naman daw ang magpaaral sa mga ito.Isa akong masayahin na bata kahit na minsan ay palaging may problema.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)