Linggo, Pebrero 26, 2012

Buhay Kolehiyo..



Noong unang araw ko sa BPSU-DC syempre Masaya pero may konting kaba. Masaya ko kasi marami nanaman akong bagong makikilala bagong mga kaibigan at bagong guro na makikilala at igagalang ko. Kinakabahan naman ako dahil kailangan kong kilalanin muna kung sino yung magiging mga kaklase ko at kung ano ang mga ugali nila, kinakabahan din ako dahil unang-una kailangan kong hanapin kung saan ang magiging Classroom ko at kung mabait ba ang mga magiging Professor ko. ACT (Associate in Computer Technology) ang pinili kong kurso dahil maganda ang kurso ACT marami akong natutunan tungkol sa iba’t-ibang uri ng Teknolohiya at nalaman ko kung paano magTroubleshoot ng Computer at Printer, napagaralan ko ang mga parte ng system unit, nalaman ko din kung ano ang iba’t-ibang klase ng virus na maaaring makasira ng ating Computer, nalaman ko kung paano magInstall ng mga iba’t-ibang software, kung ano ang mga maaaring makasira ng memory sa ating System Unit, natuto akong magDownload at magUpload ng Music at Video, Natuto akong magEncode, natuto din akong gumawa ng tamang format para sa Powerpoint at ang kursong ACT ay hindi lang naman sa Computer laging  nakatutok meron din naman kaming mga iba’t-ibang subject na maaaring makatulong sa akin tulad ng Acounting pwede kang maging Cashier, Business English pwede kang magapply bilang Call Center at Business Management pwede kang magapply bilang Secretary kaya kahit na ACT ang napili kong maging kurso marami pa rin akong pwedeng applayan. Kaya sa mga mag-aaral ng kolehiyo ACT ang kunin ninyong kurso hindi lang pang-Computer marami ka pang matututuhan.Nagpapasalamat ako sa aking mga "Magulang" na lagging nakasuporta sa akin at lagging nandiyan kapag may problema ako sila ang Naghirap para lang makapag-aral ako kaya ipinapangako ko na magsisikap ako para makatapos ako ng pagaaral at makahanap ng trabaho para matulungan ko sila. Ang buhay kolehiyo ay sadyang mahirap pero Masaya. Noong tumagal-tagal na ako sa BPSU-DC nasanay na din ako nagkaroon ako ng maraming kaibigan sa klase naming pati na rin sa ibang Section ang babait nila at Masaya pang kasama. Minsan nagkakaroon kami ng konting di pagkakaintindihan pero naaayos din naman kaagad. Mahirap nga siguro ang mag-aral ng kolehiyo pero kailangan mong tandaan na sa bawat hirap ay may nakalaan sayong pag-asa, saya at tagumpay sa buhay. Salamat ng Marami sa lahat ng sumusuporta sa akin at sa lahat ng kaibigan ko.. PROUD TO BE ACT AKO..




 Ito ang damit namin noong nakaraang Intrams




Mga litrato para sa Associate in Computer Technology (ACT) Department
















































Ang saya talaga kapag kinuha ninyo ang kursong Associate in Computer Technology (ACT). Marami ka ng matututuhan marami ka pang makikilala.. Kaya tara na magACT na tayo..

5 komento: